Independent. Community-powered. For a mindful and informed Mindanao.

Home  |  About Us   |   Contact   |  

Jazheel Ceniza, Sโ€™bang Ka Marawi Patroller

Sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos, Israel, at Iran, nahaharap sa panibagong hamon ang sektor ng transportasyon sa bansa dahil sa nakaambang serye ng malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Para sa mga driver na ang kabuhayan ay nakadepende sa araw-araw na pamamasada, ang bawat sentimo ay mahalaga. Ayon kay Jalanie Macmod, isang van driver, plano nilang baguhin ang seating capacity ng kanilang mga unit upang hindi na magtaas ng pamasahe ngunit mabawi pa rin ang gastos sa krudo.

โ€œKapag tumama na sa โ‚ฑ90 ang presyo ng krudo, magdadagdag na kami ng pasahero. Dati ay apat lang bawat hilera ng upuan, gagawin na naming lima,โ€ paliwanag ni Macmod. Ayon sa kanya, ito ang kanilang nakikitang paraan upang maibsan ang bigat ng operasyon nang hindi direktang pinapasan ng mga commuter ang dagdag-bayad.

Ramdam din ang epekto sa mga maliliit na tsuper gaya ni Sadam Malitba, isang tricycle driver sa Marawi City. Aniya, malaki na ang iniangat ng presyo mula sa dating โ‚ฑ65 kada litro na ngayon ay nasa โ‚ฑ90 pataas na.

Bilang diskarte, pinipili ni Malitba na huwag nang mag-ikot nang walang sakay upang makatipid sa konsumo. โ€œPapatayin muna ang makina habang naghihintay ng pasahero para hindi masayang ang krudo,โ€ aniya. Sa kasalukuyan, nananatili sa โ‚ฑ25 hanggang โ‚ฑ30 ang singil sa pamasahe sa mga pasahero, depende sa layo at ruta.

Bukod sa pagdagdag ng pasahero at pagpatay ng makina habang nakapila sa terminal, nananatiling alerto ang mga tsuper sa bawat anunsyo ng Department of Energy at Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Ayon kay Mahid Razul, isa ring driver, ang simpleng pagpatay ng makina habang nasa terminal ay malaking tulong na upang makatipid sa gitna ng matagal na paghihintay.

Bagaman hindi pa tuluyang nararamdaman ng lahat ng sektor ang malaking epekto ng krisis sa langis, ang mga tsuper sa Marawi ay nagsisimula ng mas magtipid upang matiyak na may maiuuwi pa ring sapat na kita para sa kanilang mga pamilya.