Nosaira A. Gasmala, Sโbang Ka Marawi Patroller
Dagsa na ang mga mamimili sa ibaโt ibang pamilihan sa Marawi City bilang paghahanda sa pagtatapos ng buwan ng Ramadhan at ang nalalapit na pagdiriwang ng Eidโl Fitr.
Inaasahang isasagawa ngayong araw ang moonsighting ng Bangsamoro Darul-Ifta upang matukoy ang eksaktong petsa ng kapistahan, matapos ang pagsisimula ng pag-aayuno noong ika-19 ng Pebrero, 2026.
Sa Sultan Magayoong Market, partikular sa clothing section, naging mabili ang mga tradisyunal na kasuotan tulad ng mukna, hijab, at long dress. Bilang bahagi ng pagdiriwang, tuwing pagtatapos ng Ramadhan, maraming mga negosyante ang naglunsad ng malawakang sale na umaabot sa 50% discount.
Dahil sa bawas-presyo, ang mga pantalon na dating nagkakahalaga ng โฑ400 hanggang โฑ500 ay mabibili na lamang sa halagang โฑ200.
Ayon kay Isnaira Tawal, isa sa mga tindera sa naturang pamilihan, damit-pambata ang pangunahing hinahanap ng mga mamimili.
"Maraming bumibili ng mga damit para lang sa mga anak nila, siguro kasi mas mura iyong pambata kaya inuuna nila iyong para sa bata," ani Tawal.
Malaki rin ang itinalagang pagtalon sa kita ng mga negosyante sa panahon ng sale. Mula sa karaniwang โฑ1,000 hanggang โฑ2,000 na benta sa mga ordinaryong araw, umaabot na ito ngayon sa โฑ20,000 kada araw.
Bukod sa tulong na hatid ng mas murang bilihin para sa mga residente, ang taunang ramadhan sale ay nagsisilbi ring malaking suporta sa lokal na pamilihan ng Marawi habang naghahanda ang komunidad para sa banal na pagdiriwang ng Eid'l Fitr.