Independent. Community-powered. For a mindful and informed Mindanao.

Home  |  About Us   |   Contact   |  

MARAWI CITY -

Bumaba at nagbalik na sa dating taripa ang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan sa rutang Marawiโ€“Iligan ngayong ikatlong linggo ng Mayo 2026. Ito ay matapos ipatupad ang sunod-sunod na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa bansa sa mga nakalipas na linggo.
Mula sa pansamantalang โ‚ฑ200.00 na singil noong nakaraang buwan, nagbalik na sa โ‚ฑ150.00 ang pamasahe sa mga pampasaherong van. Kasabay nito, bumaba rin sa โ‚ฑ120.00 ang pamasahe sa mga jeepney o armak, na mas mababa kumpara sa naitalang โ‚ฑ150.00 noong kainitan ng pagtaas ng krudo.
Ayon kay Sokry Limbona, isang porsyentuhang van driver na namamasada sa nasabing ruta sa loob ng ilang taon, napagkasunduan ng kanilang hanay na ibalik ang dating presyo ng pamasahe dahil sa malaking ginhawa na dulot ng serye ng oil price rollbacks.
"Nagkasundo kami na ibalik na sa normal ang pamasahe dahil bumaba na rin naman ang gastos namin sa krudo. Noong nakaraang buwan, talagang napilitan lang kaming magtaas at sumubok pa na magdagdag ng pasahero mula 14 patungong 16 kada biyahe, pero ngayon ay sapat na ulit ang regular na bilang ng sakay," pahayag ni Limbona.
Batay sa opisyal na monitoring ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, nagkaroon ng tatlong magkakasunod na linggong malalaking rollback sa huling bahagi ng Abril bago pumasok ang buwan ng Mayo.
Bagamat nagkaroon ng bahagyang pabalik na galaw o upward adjustment sa unang linggo ng Mayo, ang pangkalahatang presyo ng petrolyo sa kasalukuyan ay nananatiling mas mababa kung ikukumpara sa peak price noong Abril 7, 2026, kung kailan umabot sa mahigit โ‚ฑ150.00 kada litro ang krudo.
Sa kasalukuyang umiiral na retail prices ng petrolyo ngayong buwan ng Mayo 2026, ang mga average na presyo ay naglalaro sa mga sumusunod na halaga:
โ€ข Diesel (Krudo): โ‚ฑ78.50 - โ‚ฑ84.00 kada litro
โ€ข Gasolina (95 Octane): โ‚ฑ82.00 - โ‚ฑ88.50 kada litro
โ€ข Gasolina (91 Octane): โ‚ฑ79.00 - โ‚ฑ85.00 kada litro
Dahil sa pagbaba ng operational cost, bumaba na rin sa humigit-kumulang โ‚ฑ800.00 ang nagagastos ng mga driver sa krudo para sa isang back-and-forth na biyahe, malayo sa dating โ‚ฑ1,200.00 na nagpaliit sa kanilang kita noong nakaraang buwan. Sa kasalukuyan, ang mga porsyentuhang driver ay nakapag-uuwi na muli ng average na โ‚ฑ600.00 hanggang โ‚ฑ700.00 kada araw, matapos ibawas ang boundary at petrolyo.
Gayunpaman, nananatiling hamon para sa humigit-kumulang 50 van driver sa terminal ang limitadong pagkakataon sa pasada, kung saan may mga araw na 20 sasakyan lamang ang nakakaalis dahil sa pila ng mga pasahero.
Mga Sanggunian:
- GMA News Online : https://tinyurl.com/5bpczfuu
By: Janisah M. H.Ali, Sโ€™bang Ka Marawi Reporter

Author