Independent. Community-powered. For a mindful and informed Mindanao.

Home  |  About Us   |   Contact   |  

TINGNAN | Presyo ng Petrolyo, Mahigit PHP 100 na ang Itinaas

May 7, 2026 | S’bang Ka Marawi | 0 comments

Muling tumaas ang presyo ng petrolyo noong Marso 31, 2026, matapos magpatupad ng malakihang dagdag-presyo ang mga kompanya ng langis, na nagtulak sa presyo ng ilang produkto sa higit PHP 100 bawat litro.
Ito na ang pang-apat na linggo ng pagtaas ng presyo ng krudo, na nagdulot ng pangamba sa posibleng pagtaas din ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Photo courtesy: Iligan News

Ayon sa monitoring sa iba't ibang gasolinahan, ang naging dagdag-presyo ay naglalaro sa mga sumusunod:
β€’ Diesel: P12.00 – P13.50 bawat litro
β€’ Gasoline (Gasolina): P13.00 – P15.00 bawat litro
β€’ Kerosene : P12.50 – P14.00 bawat litro
Ang biglaang pagsirit ng presyo ay dahil sa patuloy pa rin na tensyon sa pandaigdigang merkado at kakulangan sa supply.
Sa kasagsagan ng pagtaas, narito ang naging presyo sa ilang piling gasoline station:
β€’ π’π„π€πŽπˆπ‹: Ang Extreme 95 Gasoline ay umabot na sa P103.50, habang ang Exceed Diesel ay nasa P139.80. Sa kabila nito, may nakapaskil na P5.00 discount bawat litro para sa lahat ng fuel.
β€’ 𝐂𝐀𝐋𝐓𝐄𝐗: Ang Platinum Gasoline ay nasa P109.20, Silver Gasoline sa P101.80, at ang Diesel ay nasa P139.00. Ang kerosene naman ay hindi bababa sa P100.00 base sa digital display. Ang XCS Gasoline ay pumalo na sa P100.10, habang ang Turbo Diesel ay nasa P135.00 at ang Diesel Max ay nasa P132.00. Ang premium Gasoline na Blaze 100 ay tila umabot na sa mahigit P180.00 o higit pa, base sa digit display.
β€’ 𝐒𝐇𝐄𝐋𝐋:Ang V-Power Gasoline ay nasa P110.10, FuelSave Gasoline sa P102.60, habang ang V-Power Diesel ay umaabot sa P144.10. Ang FuelSave Diesel ay nasa P139.90.
Dahil sa panibagong pasanin, muling umapela ang iba't ibang transport groups sa pamahalaan para sa suspensyon ng excise tax sa petrolyo upang mabawasan ang bigat ng presyo. Maraming tsuper ng jeep at tricycle ang nagpahayag ng pangamba na baka hindi na sapat ang kanilang kinikita para sa pangaraw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.
"Napakahirap na po. Isang pasada, halos sa krudo lang napupunta ang kita. Paano pa po ang kakainin ng pamilya namin?" ani Misangcad Tanggote, isang tsuper ng jeep sa Marawi City.
Sa ngayon, inaabangan ng publiko ang aksyon ng gobyerno upang maibsan ang epekto ng nagtataasang presyo ng langis sa bansa.
Follow Us