Independent. Community-powered. For a mindful and informed Mindanao.

Home  |  About Us   |   Contact   |  

Sittie Johayriah D. Abubakar, S'bang Ka Marawi Patroller

Isa sa mga kinakaharap ng mga driver ng pampublikong sasakyan sa lungsod ng Marawi ang bigat ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na direktang tumatama sa kanilang pang-araw-araw na kita.
Sa panayam kay Johar Bagumabaran, isang multicab driver sa lungsod, binigyang-diin niya ang matinding epekto ng oil price hike hindi lamang sa kanilang kabuhayan kundi maging sa mga pasahero. Ayon sa kanya, malaki ang ibinaba ng kanyang naiuuwing pera mula nang tumaas ang presyo ng gasolina.
Dati-rati ay umaabot sa โ‚ฑ1,000 ang kinikita ni Bagumabaran sa isang araw ng pamamasada, ngunit sa kasalukuyan ay hirap na siyang makakuha ng โ‚ฑ300. Ang pagliit ng kitang ito ay naglalagay sa kanyang pamilya sa gitna ng kawalan ng katiyakan, lalo naโ€™t ito ang tanging trabaho na kanyang inaasahan.
"Wala naman akong magawa dahil ito lang ang trabaho na alam ko na maibubuhay ko sa aking pamilya," ani Bagumabaran.
Bilang tugon sa krisis, naglabas ang ilang grupo ng mga multicab driver ng pansamantalang taripa o listahan ng pamasahe; batay sa mga karatula na nakapaskil sa mga sasakyan, ang kasalukuyang sinisingil sa ilang ruta ay ang mga sumusunod:
โ€ข Lilod-Raya patungong Marawi: โ‚ฑ85
โ€ข Balindong patungong Marawi: โ‚ฑ60
โ€ข Marantao patungong Marawi: โ‚ฑ50
โ€ข Camalig Maul patungong Marawi: โ‚ฑ40
Nakasaad din sa mga abiso na handang ibalik ng mga driver ang dating mas mababang singil kung bababa ang presyo ng gasolina sa โ‚ฑ60 kada litro. Sa kabila ng pagtaas, tinitiyak naman ng mga driver na patuloy silang nagbibigay ng discount sa mga estudyante upang makabawas sa gastusin ng mga mag-aaral.
Upang makatipid sa gasolina, gumagawa ng ibaโ€™t ibang paraan ang mga driver tulad ng dahan-dahang pagpapatakbo upang maiwasan ang malakas na konsumo ng krudo, at pananatili sa kanilang takdang ruta kahit nais mag-iba ng schedule dahil sa matinding kompetisyon sa kalsada.
Kasabay nito, nananawagan ang mga driver sa Marawi ng agarang aksyon mula sa lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya, kabilang ang pagtatatag ng pormal na terminal upang maging maayos ang pila at maiwasan ang pagkalugi habang naghihintay ng pasahero.
Sa kabila ng bigat na kinakaharap, idinadaan na lamang sa biro ni Bagumabaran ang sitwasyon sa pagsasabing baka sa susunod ay kailangan na nilang itulak ang sasakyan upang makatipid sa tubil (gasolina), ngunit nananatili ang kanyang panawagan para sa pangmatagalang solusyon sa krisis na ito.