Independent. Community-powered. For a mindful and informed Mindanao.

Home  |  About Us   |   Contact   |  

MARAWI CITY - Humihiling ng konkretong aksyon mula sa pamahalaan ang mga maliliit na tsuper ng tricycle hinggil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa. Sa halip na mga panandaliang relief program gaya ng libreng sakay, isinusulong ng transport sector ang pag-amyenda o pansamantalang pagbabawas sa excise tax ng mga produktong petrolyo upang direktang mapababa ang gastos sa kanilang pang-araw-araw na operasyon.

Ayon kay Saidamen Pangonte, isang tricycle driver na tatlong taon nang namamasada sa kalsada, malaki ang naging epekto ng sunod-sunod na oil price hike sa kaniyang pang-araw-araw na kita. Mula sa dating โ‚ฑ500 o higit pa na naiuuwi niya para sa kaniyang pamilya, bumagsak na lamang ito sa โ‚ฑ300 kada araw.

"Dati nakakauwi kami ng 500, minsan nadadagdagan pa. Pero ngayong lumaki ang gasolina, nakakauwi na lang kami ng 300, minsan 300 plus," ani Saidamen.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, binago na ng mga tricycle driver ang kanilang paraan ng pamamasada. Sa halip na magpaikot-ikot o mag-rounding sa paghahanap ng pasahero, pinipili na lamang nilang bawasan ang kanilang biyahe upang makatipid sa gasolina. Mas nagiging karaniwan na rin ang pananatili sa mga terminal o hintayan, kung saan naghihintay sila ng pasahero kahit matagal ang antayan, kaysa maubos ang kanilang krudo sa walang kasiguraduhang pag-iikot.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Energy (DOE) para sa linggong ito, magpapatupad muli ang mga kumpanya ng langis ng panibagong dagdag-presyo epektibo ngayong Martes, Mayo 19. Sa opisyal na advisory ng DOE, tataas ng โ‚ฑ1.21 kada litro ang presyo ng gasolina sa lahat ng grades, habang sasalubong naman ang mas matinding dagdag na โ‚ฑ2.82 kada litro para sa diesel. . Sa kasalukuyan, naglalaro na sa โ‚ฑ78.00 hanggang โ‚ฑ88.00 ang retail na presyo ng kada litro ng gasolina sa Marawi City depende sa brand at partikular na octane rating (RON 91, 95, o 100).

Bagama't naglalayon ang pamahalaan na tulungan ang mga commuter sa pamamagitan ng mga programang tulad ng libreng sakay, inilahad ni Pangonte na nagdudulot ito ng matinding kompetisyon at pagbaba sa billing ng kanilang mga pasahero. Naniniwala siyang mas mainam na matuon ang pansin ng gobyerno sa pagkontrol sa presyo ng langis kaysa sa mga programang nagpapababa sa volume ng kanilang isinasakay.

Dagdag pa rito, nahaharap din ang mga tsuper sa hamon ng hindi pagtataas ng pamasahe. Sa kabila ng taas-presyo ng krudo, marami pa ring pasahero ang sumusunod sa lumang taripa, na tinatanggap na lamang ng mga driver sa ngalan ng pasensya o sab'ar.

Binigyang-diin ng transport sector na ang linggo-linggong dagdag-presyo ay hindi na kayang sabayan ng kanilang maliit na kita. Iniurong ng mga drayber ang kanilang panawagan sa ilalim ng bagong batas na Republic Act No. 12316 (na nilagdaan noong Marso 25, 2026), na nagbibigay-kapangyarihan sa Pangulo na isuspinde o bawasan ang excise tax sa petrolyo kapag umabot o lumampas sa $80 bawat bariles ang presyo ng Dubai crude sa loob ng isang buwan.
Kamakailan, ipinatupad ng Malacaรฑang ang Executive Order No. 114 at ang Revenue Regulations No. 003-2026 ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na pansamantalang nag-aalis sa excise tax ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) at kerosene matapos lumampas sa itinakdang threshold ang presyo ng langis sa mundo. Gayunman, hindi pa kasama sa kasalukuyang suspensyon ang gasolina na may ipinapataw na hanggang โ‚ฑ10 kada litro sa ilalim ng TRAIN Law, kaya naman patuloy na dumaraing ang mga tsuper ng tricycle.
"Aayon kami sa excise tax, mas okay na yung mababawasan yung presyo ng gasolina kesa naman yung kada linggo nadadagdagan. Tataas na naman yung presyo ng gasolina, kaming mga drayber makakatigil na kami kasi wala na kaming mapasahero dahil sa pagtaas nito," dagdag ni Saidamen.
Bagama't nagpapatupad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pamamahagi ng โ‚ฑ5,000 fuel subsidy sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) para sa mga rehistradong tricycle drivers upang maibsan ang krisis, patuloy pa ring nananawagan ang mga driver gaya ni Saidamen na mapabilang rin sila sa mga makatatanggap ng subsidy na ito upang pansamantalang maibsan ang hirap na dinaranas nila sa pamamasada.
Mga Sanggunian:
By: Jazheel C. Sarino, S'bang Ka Marawi Reporter

Author