Pidi P. Pascan, S'bang Ka Marawi Patroller
Puspusan na ang isinagawang Oplan Baklas Tarpaulins ng LGU-Marawi sa pangunguna ng General Services Office (GSO), upang tuluyang linisin ang lungsod mula sa mga nagkalat na campaign materials matapos ang Halalan 2025. Layunin nitong maibalik ang kaayusan at kagandahan ng mga pampublikong lugar.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa itinakdang deadline ng Commission on Elections (COMELEC) na Mayo 17, base sa Section 30 ng Resolution No. 11086 at ng Fair Elections Act. Mahigpit na ipinagbabawal ang hindi pagtanggal ng mga campaign materials sa loob ng itinakdang panahon, na maaaring magresulta sa kaukulang kaso o parusa.
Dahil dito, nananawagan ang Lokal na Pamahalaan ng Marawi sa lahat ng mga indibidwal na kumandidato sa eleksyon na makiisa at tulungan ang LGU sa pagtatanggal ng kanilang mga ginamit na campaign posters o tarpaulin. Ang kanilang kooperasyon ay malaking tulong upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran ng Marawi City.


