Independent. Community-powered. For a mindful and informed Mindanao.

Home  |  About Us   |   Contact   |  

Fayzah Inshirah Cosna Alonto Ala, S’bang Ka Marawi Patroller

Namahagi ang Philippine Red Cross ng ayuda, kasama ang King Salman Humanitarian Aid and Relief Centre, sa 13 na transitory shelters noong Oktubre 14-16 sa Tennis Court ng Lanao del Sur Provincial Capitol, Marawi City.
Kabilang sa kabuuang 2,690 na kabahayang nakatanggap ng ayuda ay ang 108 na pamilya mula sa Bakwit Village Phase II, Brgy. Pindolonan, Saguiaran. Ito ay matapos maisagawa ang validation at orientation sa mga IDPs na naninirahan sa temporary shelter noong Setyembre.
Ang bawat relief package ay naglalaman ng dalawang sako ng 25-kilo ng bigas at tatlong kilo ng manok.
Isa si Aisah Pundoga sa mga internally displaced persons (IDPs) na nakatanggap ng ayuda noong October 15. Si Aisah ay nag-aalaga ng siyam na anak habang pinagkakasya ang maliit na kinikita ng asawa niyang namamasada ng tricycle.
”Kahit papaano ay nakabawas sa gastos ang pang-isang buwang pambili pa sana ng bigas. Dalawang araw rin naming nakain ang manok na kasama sa ayuda, na napakalaking tulong na sa pang-araw araw na gastusin,” kwento ni Aisah.
Umaasa ang mga IDPs sa Bakwit Villlage na magkakaroon pa ng pangalawang distribusyon ng ayuda sa temporary shelter para naman maabot ang 45 pang kabahayan na hindi nakatanggap ng ayuda.