Independent. Community-powered. For a mindful and informed Mindanao.

Home  |  About Us   |   Contact   |  

Raisa A. Marohombsar, Sโ€™bang Ka Marawi Patroller

Pormal nang inilunsad noong Marso 25, 2026, ang Renewable Energy and Energy Efficiency: Access to Climate Security and Health Services (RE3ACH) Project sa pamamagitan ng isang switch-on ceremony na ginanap sa Provincial Capitol Complex ng Marawi City.
Layunin ng proyekto, na pinondohan ng gobyerno ng Japan, na magkaloob ng hybrid solar photovoltaic (PV) systems sa apat na ospital sa lalawigan upang matiyak ang matatag at tuloy-tuloy na suplay ng kuryente.
Kabilang sa mga hospital na nakatanggap nito ang Dr. Serapio B. Montaรฑer Jr. Al Haj Memorial Provincial Hospital ng Malabang, Tamparan Provincial Hospital, Wao District Hospital, Unayan District Hospital na tinukoy rin bilang bahagi ng network ng Ranao Provincial Infirmary.
Ayon kay Japan Ambassador Endo Kazuya ng Pilipinas, ang inisyatibong ito ay isang napapanahong tugon sa nagtataasang presyo ng langis sa buong bansa. Binigyang-diin niya na ang renewable energy ay isang estratehikong solusyon para sa seguridad sa enerhiya at pagpapanatili ng operasyon ng mga ospital na nagsisilbing takbuhan ng mga mamamayan.
Ang RE3ACH Project ay tinitingnan bilang isang modelong hakbang para sa pagpapaunlad ng renewable energy sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at sa buong Mindanao, partikular na sa pagharap sa mga hamon ng climate change.
Pinangunahan ni Gobernador Mamintal "Bombit" Adiong Jr. ang pagtanggap sa proyekto, kasama ang mga opisyal ng provincial government, local government units, t pamunuan ng mga ospital at health care workers.
Ang tagumpay ng proyektong ito ay itinaon din sa pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ng Japan at Pilipinas, na lalong nagpapatatag sa mahabang kasaysayan ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa aspeto ng kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.